Friday, October 19, 2007

thank you, never ends!!!

Hi ma'am joan,thank sa chocolate kahit hindi man lang nakatikim yung dila ko.hehe.joke
ahm...thank you poh sa knowledge na shinare mo sa amin,marami poh kaming natutunan sa subject nyo unang-una na poh don kung paano gumawa ng blog..basta poh marami at alam ko naman na magagamit rin namin yon.More power poh sa iyo lalong-lalo na sa pamilya niyo.......Thank you sensya na poh kong nahuli ang pag-publish ko ng blog...!!
First of all,I would like to say hi,ahm...sa computer marami akong natutunan na aking madadala sa patuloy na pag-agos ng aking buhay,nung una wala talaga akong alam sa computer kazi nung high school start pa lang kami sa hands on pero minsan lang kami mag computer kasi by batch.....

My top 5 bloggers!!!!

1. Janice Labustro
2. Lenny Tulabing
3. Adrian Tecmon
4. Maricel Gamad
5. Princess De Vera



CONGRATS!!!!!! TO THE ONE OF US...SANA MAY MANALO SA ATIN
KAYA SHARE SA CHOCOL8
IMMATURES!!!!!HEHE

Wednesday, October 3, 2007

"WkiPilipinas"

About WikiPilipinas...????????

Ahm..........Maganda naman yung website kasi well organized ang bawat label nito nung minsan tignan namin ang site niya. Ok. yung pag-kakagawa dahil hindi na mahihirapan yung gagamit nito at madali na ring i-research.. Lahat ng may kinalaman sa Philippines ay parang nandoon na at yung mga culture, politics, history, etc...............

Laki talaga ng tulong nito kung saka-sakaling maligaw ang mga students sa site nito about Philippines. Kasi ang laging ginagamit pag nag se-search ay yung Wikipedia.. Hindi pa siya masyadong kalat sa Phil. Kami kasi binisita namin ang site na yun ones pa lang kaya hindi pa namin alam yung ibang nilalaman nito at wala pa kaming nagagamit kasi wala pang binibigay yung mga teacher namin about Phil. Ang gusto kong makita in the Philippines ay yung mga places na dream puntahan only in the Pilipinas lang....hehehe

Sana makalibre ng ticket kahit around the Philippines!!!!!! Satisfy na ako doon!!!!!
Kaya minsan maging mapagbigay lalo na pag may extra ticket dyan...hehehe!!!!!!! joke

"Ang Buhay Kolehiyo"

Ito ang araw na kailangang magdesisyon ang isang tao
kung ano ang kursong gusto niyang kunin,
sapagkat dito nakakasalalay ang kanyang kinabukasan.

Parang kailan lang, ang bilis talaga ng panahon,
ngayon nasa kolehiyo na ako,
panibagong buhay na naman kasama ang bago kong makikilalang mga kaibigan.
Mahirap magdesisyon lalo na sa isang bagay na hindi mogusto.
Mahirap makihalubilo at magtiwala sa mga taong hindi mo pa masyadong kilala,
hindi ka sigurado kung totoo ba sila sa iyo o nagpapakitang tao lamang......

Orientation day,
nakilala ko si Mitch, siya ang una kung napansin kaya naging friend kami,
saka ko naman nakilala sila Marj, Marie, Pia, Charo, Joy, at Carlo.
Sila pa lang ang nakilala ko nung unang araw ng pasukan hanggang sa tumagal-tagal naging-close na rin kami at pati na rin ang mga iba kong classmates.
Sa pagkakaibigan hindi talaga nawawala ang tawanan, asaran at kulitan sapagkat dito nakadipende ang samahan.
May isang akong friend na mabait, at ok!!!!. kasama.
Sa pagdaan ng mga araw naging close ko na rin siya kaya minsan pag-humihingi ako ng favor sa kanya hindi agad siya nagdadalawang-isip na tulungan ako.
Kaya nakikilala talaga natin ang isang tunay na kaibigan sa oras ng kagipitan.

Masaya na mahirap ang buhay kolehiyo.
Masaya kasi may mga bagong nakikilalang mga friends.
Mahirap kasi may mga time na sobrang nakakpagod,
lalo na pagsunod-sunod ang mga project sa college.
Pero kahit papa-ano nakakaya rin kahit parang feeling mo bibigay na ang katawan mo sa sobrang pagod.

Thursday, September 20, 2007

High School Life!!

Hi.......

First Day of classes, maraming nangyari, nag-kita na naman kami ng mga friend ko, ang sarap talagang balik-balikan ang mga masasayang araw na magkakasama kami. Sa pagkakaibigan hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng tampuhan.

Isang araw naligo kami sa dagat, kasama ang pinsan, classmate at kaibigan ko. Masaya kami habang naliligo may mga nag-lalaro ng Volleyball at may mga nag-uusap ding magkasintahan. Habang sila ay naglalaro, sumama ako sa isa kong kaibigan na Gay. Papunta kami sa bahay ng classmate ko lima kami magkakasama dalawang babae at lalaki at isang Gay. Bago kami makarating sa bahay ng classmate ko, kailangan namin tumawid at maglakad ng konti. Nang patawid na ako inalalayan ako ng bago kong nakilalang kaibigan ng nakatawid na kami naglakad pa kami bago narating namin ang bahay ng classmate ko. Nasayang lang ang oras sa pagpunta sa kanila dahil wala naman siya doon. Kaya napagpasyahan namin ng mga kasama ko na pumasyal na lang.

Sa nagdaang mga araw sa school lagi na lang sumasabay ang bago kong kaibigan sa amin, masaya naman siyang kasama kaya nga minsan binibiro ko siya,nakikisakay naman siya sa mga biruan namin. Habang lumilipas ang araw hindi ko namamalayan na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Kaya lang meron na pala siyang Girlfriend. Pero ang hindi ko alam may gusto na rin pala siya sa akin. Sa pangyayaring iyon bigla ko na lang nabalitaan na wala na sila ng Girlfriend niya, dahil raw sa akin. Pero hindi ko naman pinansin ang isyu na yon. Hanggang sa mismong friend ko na ang nag-sabi na hindi totoo ang balita na ako ang naging dahilan.

Bigla siyang nag-tapat sa akin, pero hindi ko pinansin ang nararamdaman niya dahil ayokong isipin ng iba na ako talaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Matatapos na ang pasukan noon ng bigla siyang naglaho na parang bula..........
Pasukan na uli ng may nakilala akong new friend sa school, para siyang boyish kung kumilos pero girlaloo...siya. Akala ng mga classmate ko na nanliligaw siya sa akin, subalit sa kabilang dako naging sila ng lalaking naging kaibigan na nanligaw sa akin. . . . .